Inaasahan na sa susunod na buwan mailalabas ang pondo ng pamahalaan para sa P500 monthly subsidy na ibibigay sa mga mahihirap na pamilya, ayon sa opisyal ng Department of Budget and Management (DBM).
Sinabi ni DBM Undersecretary Tina Rose Canda, ang pondo para sa programang ito ay gagamitin para sa excess revenues mula sa VAT collections.
Ang cash assistance na ito ay tatagal ng tatlong buwan at posibleng ibigay nang one-shot bigtime deal na P1,500.
Samantala, kasabay nito ay ang service contracting program mula naman sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board, na magbibigay ng libreng sakay sa mga mananakay at direct subsidy naman sa mga operators at drivers.
Noong Lunes lang, P7 billion ang inilabas ng pamahalaan para sa programang ito.