Tutol ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) ng DBM na itigil pansamantala ang paniningil ng fuel tax sa harap ng mga mungkahing isuspinde ito bunsod ng tuloy-tuloy na pagtaas sa presyo ng langis.
Ayon kay DBM Undersecretary Rolly Toledo, hindi aniya makakatulong ang suspensiyon para sa ginagawa ng pagbangon ng ekonomiya ng bansa.
Walang duda Toledo, na negatibong impact sa revenue generation ang idudulot ng nasabing mungkahi.
Mawawalan aniya ang pamahalaan ng P117 billion o 0.5 percent sa GDP ng bansa kung itutuloy ang excise tax suspension.
Magreresulta rin aniya ito ng mas malaking deficit.
Sa halip, ang kanilang inirerekomenda aniya ay ang tinatawag na targeted relief assistance gaya ng ikinakasa uling fuel subsidy at fuel discount program para sa mga apektadong sektor.