-- Advertisements --
image 615

Naglunsad ang Development Bank of the Philippines (DBP) ng isang special credit facility para sa mga magsasaka ng niyog sa bansa bilang bahagi ng kampaniya na matulungang malinang ang isa sa malaking parte ng local agricultural sector.

Sa pamamagitan ng bagong loan na ito na tinawag na Coconut Farmers and Industry Development Credit (CFID) Program, ang mga kwalipikadong coconut farmer enterprises, mga kooperatiba at organisasyon ay maaaring humiram ng pondo para matustusan ang mga proyekto sa coconut value chain.

Kabilang dito ang pagkakaroon ng machinery at equipment, pagtatatag ng production at postproduction facilities gayundin para paglikha ng intercropping at livestock poultry integration sa coconut farms.

Ayon sa DBP, magkakaroon ng hanggang 90% ng kabuuang halaga ng proyekto ang naturang programa para sa financing at relending.