DAVAO CITY – Naging emosyonal si Davao City Police Office Director PCol Alberto Lupaz matapos ang pagkamatay sa tatlong miyembro ng Calinan Police station na napatay sa kaguluhan sa Purok 4, Lower, Barangay Lacson, Calinan, nitong Miyerkules.
Ayon sa opisyal, kasunod ng pagkamatay ng kanilang mga kasamahan na sina PCMS Tito Didal Lague at PCPL. Mark Anthony Elman Corsino, hindi sila titigil sa pagbibigay ng hustisya gayundin sa pagtulong sa naulilang pamilya.
Mariing kinondena ng DCPO ang pagkamatay ng dalawang pulis.
Bukod pa nito, ang malungkot na pangyayaring ito ay paalala gayundin sa lahat ng panganib at sakripisyong kanilang hinaharap para sa kaligtasan ng mga tao.
Dahil dito, mas mag-udyok sa pulisya na ipagpatuloy ang kanilang dedikasyon sa pagprotekta sa mamamayan.
Nagbigay rin ng tulong pinansyal si Col. Lupaz sa mga naulilang pamilya sa mga biktima, kung saan personal na iniabot ang pera ng tulong sa mortuary.
Hindi rin ibinunyag kung magkano ang naibigay na pera sa mga pamilya. Nabatid na ang isa sa mga pulis na binawian ng buhay na si PCMS Lague ay nakatakdang magretiro.