DAVAO CITY – Naglabas ng Php 1,000,000 reward money ang Davao City Police Police para sa makakapagturo at makapagbigay impormasyon sa gunman na bumaril-patay sa 38 anyos na negosyanteng si Yvonne Plaza Chua.
Maalalang pinatay ang naturang negosyante ng hindi pa kilalang mga suspek na nakamotorsiklo sa labas mismo ng inuupahang bahay sa Buttercup St., Green Meadows Subdivision, Brgy. Sto. Tugbok District, Davao City, noong Disyembre 28, 2022.
Para sa makapagbigay impormasyon, maaring tumawag sa hotline number ng Davao City Police Office sa 293-1177 o sa 0991-537-3782.
Una ng binuo ng otoridad ang special investigation group (SITG) na siyang tututok sa imbestigasyon sa pagpatay sa biktima at para sa hustisya na siyang panawagan ng pamilya ni Chua.
Nilinaw din ni Police Regional Office XI spokesperson PMaj. Atty Eudisan Gultiano, ang layunin ng pagbuo ng SITG para sa agarang pagresolba sa kaso at makakapagturo ng nasa likod ng krimen at hindi dahil sa sinasabi na isang public figure ang biktima.
Sa ngayon may dawalang persons of interest ang tinitingnan ng otoridad pero hindi pa umano nila pwedeng ilabas ang karagdagang impormasyon hinggil dito.
Base sa CCTV Footage na nakuha ng kapulisan, layunin ng suspek na patayin ang biktima, matapos umanong humandusay si Yvonne sa unang pagbaril ng suspek ay tinangka pa ng mga ito na muling barilin sa ikalawang pagkakataon ang biktima pero hindi na umano pumutok pa ang baril ng suspek.
Kinuha din ng mga suspek ang bag at selpon ng biktima. Pero kinumpirma ni Lupaz na narekober nila ang ipad at selpon ng biktima.