-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nakapagtala ngayon ang Davao city police office ng 3,255 na indibiduwal na naaresto dahil sa ibat-ibat violations habang nasa community quarantine ang Davao City mula Marso 25 hangtud Mayo 31, 2020.

Sa naturang datus, 2,607 na ang nasampahan ng kaso; samantala 1,200 ang naitalang curfew violators; 247 sa liquor ban; 167 sa social distancing o mass gathering; 42 ang hindi nakasuot ng face masks; habang 1,599 ang umabuso sa paggamit ng ilang food and medicine passes.

Matatandaan na na na-una nang inaprubahan ng davao city council ang ordinansa tungkol sa pagpapataw ng parusa sa mga liqour ban at curfew violators kung saan maaaring pagmumultahin ng P3,000 sa first offense at P5,000 o pagkakabilanggo na hindi hihigit sa isang taon sa pangalawang violations.