Handa umano ang Dangerous Drugs Board (DDB) na magsagawa ng isang siyentipikong pag-aaral upang malaman ang totoong katangian at lawak ng suliranin sa iligal na droga sa Pilipinas.
Sa isang pahayag, sinabi ni Dangerous Drugs Board (DDB) chairman Catalino Cuy na kaakibat ng nasabing pag-aaral ang pagsasagwa ng isang census upang maibigay ang tunay na mukha ng sitwasyon ng iligal na droga.
“There were previous studies with similar intentions but the results of which did not include data from law enforcement agencies. This time, we will make sure that these will be included and integrated in analyzing data and coming up with statistical figures,†wika ni Cuy.
“What we want is an actual census to provide the real picture of the drug situation in the country.â€
Ayon pa kay Cuy, nakipag-ugnayan na rin umano sila sa Philippine Statistics Authority (PSA) para sa pagsasagawa ng nasabing census.
Sang-ayon sa Executive Order No. 66 na inilabas noong nakaraang taon, mayroong mandato ang DDB na magsagawa ng isang nationwide survey upang malaman ang drug abuse prevalence sa bansa.