Binigyang-diin ng Dangerous Drugs Board (DDB) na walang agarang epekto sa Pilipinas ang pag-alis ng United Nations (UN) sa cannabis o marijuana sa listahan ng mga mapanganib na droga.
Ayon kay DDB chairman Catalino Cuy, nasa gobyerno pa rin kasi ang hurisdiksyon hinggil sa pag-classify at pag-regulate sa marijuana.
Mananatili rin aniyang regulated ang marijuana dahil maliban sa ito ay nakakaadik, mayroon din umano itong masamang epekto sa kalusugan at lipunan.
“In terms of domestic drug control, this will have no immediate impact as the government will still have jurisdiction relative to classifying and regulating cannabis, commonly known as marijuana,” wika ni Cuy.
“‘Yung ating domestic laws will still prevail and recommendatory itong recommendation na ito from the CND (Commission on Narcotic Drugs),” dagdag nito.
Una rito, pumabor ang 53 member-states ng UN Commission on Narcotic Drugs sa reclassification ng marijuana at mga derivative nito bilang less dangerous drug.