-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nakubkub ng militar ang kuta ng mga rebelde sa Barangay Alabidhan, Bingawan, Iloilo.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Lt. Martin Pugales, hepe ng Bingawan Municipal Police Station, sinabi nito na nagtagal ng limang minuto ang sagupaan ng New People’s Army at 12th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Ayon kay Pugales, kaagad namang pumunta sa direksyon ng Dumalag, Capiz ang mga rebelde.

Narekober naman sa pinagyarihan ng engkwentro ang mga matataas na kalibre ng armas, mga bala, at sangkap sa pagawa ng bomba.