Nanggagalaiti sa galit si Golden Boy Promotions CEO Oscar De La Hoya matapos ang pasya ng International Boxing Federation (IBF) na tanggalin kay Saul “Canelo” Alvarez ang kanyang middleweight title.
Una rito, nabigo ang kampo ni Alvarez na magkaroon ng kasunduan sa panig naman ni Sergiy Derevyanchenko para sa isa nitong mandatory title defense.
Ayon kay De La Hoya, dismayado ito dahil nasa kalagitnaan pa raw sila ng dibdibang negosasyon sa promoter ng Ukranian slugger.
Inihayag pa ni De La Hoya, nais lamang daw ni Derevyanchenko na mapilit na mabakante ang titulo, na malaking insulto raw sa boxing.
Kaya naman kumbinsido raw si De La Hoya na hindi raw talaga interesado ang kampo ni Derevyanchenko sa naturang boxing match.
Sinabi pa ng Mexican boxing icon, patunay din daw ang desisyong ito ng IBF na mayroong mga agam-agam sa kredibilidad ng IBF championship.
Sa ngayon, ikinokonsidera raw ni De La Hoya na maghain ng kaso laban sa boxing organization.
“We are extremely disappointed at the IBF for forcing the world’s best fighter to relinquish his world title,” De La Hoya said. “We have been in serious negotiations with Sergiy Derevyanchenko’s promoter. We offered his team an unprecedented amount of money for a fighter of his limited stature and limited popularity, but the truth is that I’m now certain they never had any intention of making a deal. But instead they wanted to force us to relinquish Canelo’s belt. This is an insult to boxing and more importantly an insult to the boxing fans of the world,” pahayag ni De La Hoya.
“This decision validates already existing concerns about the credibility of the IBF championship. Canelo inherited a mandatory challenger by defeating Daniel Jacobs, the man who beat Derevyanchenko, so to strip him of his title without giving him enough time to make the best fight possible is truly what is wrong with boxing, and I plan to aggressively consider all legal actions possible.”