Kinakailangan umano munang makakuha ni dating unified middleweight champion Gennady Golovkin bago nito hamunin uli si Mexican superstar Saul “Canelo” Alvarez para sa kanilang ikatlong pagtutuos.
Reaksyon ito ng promoter ni Alvarez na si boxing icon Oscar De La Hoya kasunod ng hirit ni Golovkin na rematch matapos ang kanyang fourth-round knockout kay Steve Rolls.
Sa kanyang Twitter post, sinabi ni De La Hoya na ito ang nararapat na gawin upang pumayag ito na magharap silang muli ni Canelo.
“Nice comeback win,†saad ni De La Hoya. “Now fight a real fighter, win a belt, and I’ll consider doing the 3rd fight. #Caneloisyourboss.â€
Inaasahang magsisimula ang negosasyon para sa ikatlong Alvarez-Golovkin fight sa Setyembre 14, na petsa kung kailan din babalik sa ring ang IBF/WBA/WBC middleweight titlist.
Tugon naman ni Golovkin, masyado raw madaldal si De La Hoya.
“He back-talks. I’m not thinking about what Oscar said. I’m not really interested in what Oscar is doing, what Oscar is saying. I’m not really interested in that at all,†ani Golovkin.