-- Advertisements --
oscar de la hoya covid

Inakusahan ni dating UFC champion Vitor Belfort ang six division champion na si Oscar De La Hoya na nagsinungaling at gumawa lang ng kuwento na ito ay dinapuan kamakailan ng COVID-19.

Kung maalala nakatakda sana ang laban ng dalawa noong September 11 para sa main event ng Triller pay-per-view card sa Staples Center sa Los Angeles.

Kung nangyari ito lalaban sana si De La Hoya, 46, sa unang pagkakataon mula noong 2008 matapos na matalo ni Manny Pacquiao.

Gayunman biglang umatras si De La Hoya dahil nagpositibo raw sa COVID.

Dahil dito pinalitan si De La Hoya ng 58-anyos na si dating heavyweight champion Evander Holyfield.

Ayon kay Belfort takot lamang si Pacquiao sa kanya.

Dahil sa ginawa raw nito ay marami siyang naloko na mga fans.