Sa pagharap ni dating Sen. Leila De Lima sa House Quad Comittee ngayong araw, muling binalikan nito ang kaniyang pagkondena sa war on drugs ng dating administrasyon.
Subalit sa kaniyang naging panawagan na itigil na ang patayan, wala aniyang nakinig sa kaniya bagkus siya ay pinaaresto at pinakulong sa loob ng pitong taon sa pamamagitan ng mga gawa gawang mga ebidensiya.
Naniniwala si De Lima ang dahilan bakit siya ay tinarget ay para patahimikin siya, sirain ang kaniyang kredibilidad at magsilbing halimbawa sa iba na manahimik na lamang.
Ikinalugod naman ni De Lima na sa ngayon nagkaroon ng isang komprehensibong imbestigasyon partikular sa isyu ng extra judicial killings.
Hinikayat din ni De Lima si PLt. Col. Jovie Espenido na magsalita na rin ukol sa reward system.
Ito’y matapos ibunyag ni dating PCSO General manager Royina Garma na mayruong reward system sa PNP lalo na kapag may napatay ang mga ito ng drug suspeks.
Samantala, ibinahagi din ni De Lima sa Quad Comm ang organizational structure ng DDS kung saan si dating pangulo na nuong panahon ay alkalde ay may code name na “Superman” ang siyang mastermind.