-- Advertisements --

Duda umano si Sen. Leila de Lima sa pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Gerald Bantag bilang bagong pinuno ng Bureau of Corrections (BuCor) sa kabila ng kinakaharap nitong mga kaso.

“BuCor needs someone capable of instituting sweeping reforms. Someone uncompromising and incorruptible, with a deep understanding of the complex realities and needs of the correctional system,” saad ni De Lima sa kanyang dispatch.

Binigyang-diin ng senadora na itinalaga ni Pangulong Duterte si Bantag kahit na kinasuhan ito ng murder dahil sa pagkamatay ng 10 inmates bunsod ng pagsabog sa Parañaque City Jail noong 2016 nang ito pa ang nakaupong warden.

“If he was willing to commit murder then, he would be even more willing now. Especially since it is Duterte who controls his destiny. Duterte can make his cases go away in exchange for his unquestioning loyalty,” anang mambabatas.

“With him at the helm, we can expect more senseless killings and zero progress towards prison reforms,” dagdag nito.

Una nang idinepensa ng Pangulong Duterte ang kanyang pagkakatalaga kay Bantag kung saan sinabi nito na kumpiyansa raw ito sa kakayahan ng opisyal.

Sa panayam sa Malacañang, sinabi ni Pangulong Duterte na tiwala siyang kakayanin ni Bantag na maisaayos ang pangangasiwa sa pambansang piitan dahil galing na rin naman ito sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).