Ikinagalak ng kampo ni Sen. Leila de Lima ang desisyon ng Senate Electoral Tribunal (SET) na nagbabasura sa protestang inihain ni dating MMDA Chairman Francis Tolentino para sa 2016 elections.
Bago ito, hiniling ni Tolentino na huwag i-dismiss ang kaso dahil lamang sa paghahain muli niya ng kandidatura sa 2019 senatorial race.
Pero ang bagong pasya ng SET ay hindi bunga ng pagtakbo ng dating pinuno ng MMDA, kundi dahil sa 1.33 million votes na kalamangan laban sa naghain ng poll protest.
Aabot sa mahigit 300,000 na balota mula sa mahigit 600 clustered precincts ang sinuri ng tribunal.
“After conducting the [barcode matching and vote matching proceedings] on 532 clustered precincts, it was confirmed that the barcodes of the actual paper ballots correspond to the barcodes of the picture images, and that “the votes†appearing on the actual ballots and picture images were the votes that were counted by the VCMs,†saad ng SET resolution.
Para sa kampo ni De Lima, bagama’t wala na itong epekto sa pagiging mambabatas ng lady solon, maaalis naman nito ang ilang isipin at abala para sa panig ng mambabatas.