Nagpasalamat sa korte ang nakakulong na oposisyon na si Senador Leila de Lima kaugnay sa pagpayag sa kanya na makita sandali ang kanyang maysakit na ina, na nagpositibo sa COVID-19, sa pamamagitan ng online na video conference call.
Sa kanyang manifestation na inihain noong Biyernes, pinasalamatan ni De Lima ang mga korte dahil sila ay “kumilos nang makatarungan at makatao, nang may humanitarian considerations; urgency at pagiging tiyak ng sitwasyon.”
Noong nakaraang Huwebes ay humingi ng pahintulot ang senador sa Muntinlupa Court na makita ang kanyang ina na positibo sa COVID, 89-anyos sa pamamagitan ng online video call.
Ang video call ay tumagal ng wala pang isang oras ngunit hindi pa rin nakausap nito ang kaniyang ina dahil tulog ito sa tagal ng tawag.
May mga paminsan-minsang iminulat umano nito ang mga mata ng ilang segundo, tapos pikit ulit.
Masaya naman si De Lima dahil nakita niya ang kaniyang ina at nakilala pa siya nito.
Ang mga Judges na humahawak sa “drug charges” ni De Lima ay sina Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) Branch 256 Judge Romeo Buenaventura at Branch 204 Judge Abraham Joseph Alcantara, kung saan pinagbigyan ng mga ito ang “Extremely Urgent Motion for Online Video Conference Call” ni De Lima sa makataong batayan at may kaukulang pagsasaalang-alang sa pagkamadalian ng sitwasyon.