Naniniwala ang dating Senador Leila De Lima na hindi mapipigilan ng ‘rally for peace’ ng mga Iglesia ni Cristo ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Kahapon mapayapang natapos ang isinagawang nationwide ‘National Rally for Peace’ ng Iglesia Ni Cristo kung saan ipinakita ng pwersa ng religious group ang kanilang pagkakaisa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung saan sinusuportahan ng grupo ang hindi pagsangayon ng Pangulo sa impeachment plan laban kay VP Sara Duterte
Ani De lima na Kahit pa marami at Malaki ang bilang ng mga ito ay sa huli ang mas nakakaraming mga Pilipino parin ang may hawak ng desisyon.
‘No matter how massive or big in numbers that rally would turn out to be, it’s still reflective of the minority position for the rest of the Filipinos. So, I don’t think it would have much impact,’ pahayag ng dating senadora.
Binigyang diin pa ng dating Senadora na 35% lamang umano ang mga tumugon sa isinagawang Social Weather Stations (SWS) survey na hindi sumasang-ayon sa pag impeach sa Bise Presidente ngunit halos nasa 41% naman umano ang bumoto laban sa impeachment plan kay VP Duterte.
‘The survey results clearly say that most Filipinos would prefer impeaching VP Sara at this point, as against the position of just … letting go (of) all these allegations against VP Sara,’ ani De Lima.
Maaalalang ang tatlong inihain na impeachment plan kay VP Duterte ay dahil sa hindi tama umanong paggasta sa confidential at intelligence funds ng Office of the Vice President at Department of Education noong taong 2022 at 2023 na umabot sa P612.5 million.