Naniniwala si dating Senator Leila De Lima na hindi ang Korte Suprema, kundi ang Konstitusyon, ang dapat magtulak sa Kongreso na magpasa ng batas laban sa political dynasties.
Ayon kay De Lima, ang Konstitusyon ang “supreme law of Congress” na nag-uutos sa kanila na ipasa ang isang batas na magbabawal sa mga political dynasty.
Kasunod ito ng pahayag ni Senate President Francis Escudero na hindi kayang pilitin ng Korte Suprema ang Kongreso na magpasa ng batas laban sa mga political dynasties, at ito aniya ay isang “political question.”
Ang pahayag na ito ay tugon sa petisyon ng 1Sambayan Coalition at ilang miyembro ng clergy, na humihiling sa Korte Suprema na mag-utos sa Kongreso na gumawa ng batas laban sa political dynasties.
Ayon sa mga petisyoner, hindi natupad ng Kongreso ang kanilang tungkulin na ipasa ang anti-dynasty law halos 40 taon mula nang maipasa ang 1987 Constitution.
Binanggit din nila na 80% ng mga upuan sa Kongreso ay hawak ng mga political families, kaya’t tinutukoy nila ito bilang isang paglabag sa Article II, Section 26 ng Konstitusyon.