-- Advertisements --
Muling humarap ng personal sa pagdinig ng kaniyang kaso sa Muntinlupa City Regional Trial Court si opposition Sen. Leila de Lima.
Ito ang kauna-unahan niyang paglabas sa PNP Custodial Center ngayong taong 2021.
Matatandaang ipinagharap ng tatlong drug cases sa korte ang senadora, ngunit hindi pa rin nadedesisyunan kahit halos apat na taon na siyang nakapiit.
Naging agaw pansin naman ang kasuotan ni De Lima dahil balot na balot ito at mayroon pang face mask at face shield.
Ayon sa kampo ng mambabatas, proteksyon lamang ito para makaiwas ang senadora na mahawaan ng sakit ngayong may umiiral pa ring COVID-19 pandemic.
Ang senadora na naging human rights at social justice lawyer ay mag-a-apat na taon nang nakakulong sa Pebrero 24, 2021.