-- Advertisements --

Mariing itinanggi ni Sen. Leila de Lima ang isyung pamangkin niya ang naarestong si Jose Adrian Dera na akusado rin sa drug case na kinakaharap ng mambabatas dahil sa paglaganap ng droga sa New Bilibid Prisons (NBP).

Sa impormasyon ng mga otoridad, naging tagahatid raw ito ng pera para kay De Lima.

Base sa sulat kamay na media release ng senadora, pinabulaanan niya ang anumang kaugnayan kay Dera.

Giit nito, bahagi lamang ng “fictional tale” na kaso ang pag-uugnay sa kaniya sa co-accused na nahuli, matapos magtago ng dalawang taon.

Muli ring naninidigan ang mambabatas na inosente siya sa lahat ng kinakaharap na kaso, lalo na ang mga usapin ukol sa iligal na droga.