-- Advertisements --
Pinayagan na ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 256 si Sen. Leila de Lima para sa medical check-up sa darating na Pebrero 22, 2021.
Una rito, naghain ng urgent motion ang kampo ng mambabatas para masuri siya ng kaniyang manggagamot sa Manila Doctors Hospital.
Nais ni De Lima na sumailalim ito sa general medical exam sa pagitan ng Pebrero 11 at 13, 2021.
Matatandaang 2018 o isang taon matapos siyang makulong nang may nadiskubreng namumuong laman sa atay ng senadora.
Pero hindi ito naopera noong nakaraang taon dahil sa COVID-19 pandemic.