-- Advertisements --

Pinagpapaliwanag ng Office of the Ombudsman sina Sen. Leila De Lima at dating Interior Sec. Mar Roxas hinggil sa implementing rules and regulation (IRR) ng kontrobersyal na good conduct time allowance (GCTA) law.

Kung maaalala, taong 2013 nang maisabatas ang GCTA law kung saan nakaupo bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ) si De Lima habang sa Department of Interior and Local Government (DILG) naman si Roxas.

Batay sa liham ni pinadala ni Ombudsman Samuel Martires sa dalawang opisyal iginiit nito na hindi malinaw na nilalaman ng IRR sa naturang batas.

Sa ilalim ng binalangkas na panuntunan ng dalawang kagawaran, tanging mga “recidivists” o yung mga umulit sa parehong krimen lang ang uri ng convict na hindi pwedeng gawaran ng GCTA.

Binigyan lamang ng tatlong araw ng Ombudsman sina De Lima at Roxas para magsumite ng written explanation kung bakit hindi nilalaman ng IRR ang parehong disqualification provision ng Revised Penal Code.

Una ng sinuspinde ng Ombudsman ang 27 opisyal ng Bureau of Corrections na dawit sa issue ng GCTA.