-- Advertisements --

Inakusahan ni Sen. Leila De Lima ang Department of Justice (DOJ) na nagiging kangaroo court na sa pamamagitan ng pagbabawal sa kanyang kampo na pagbibigay ng update sa publiko kaugnay sa developments sa pagdinig sa kinakaharap nitong drug charges.

Pahayag ito ni De Lima matapos hilingin ng DOJ sa Muntinlupa regional trial court na i-cite in contempt ang senadora at ang kanyang abugadong si Boni Tacardon dahil sa umano’y pagpapakalat ng maling mga impormasyon kaugnay sa status ng kanyang mga kaso.

Ayon sa mambabatas, bago pa man daw magsimula ang pagdinig sa kanyang mga kaso, puro kasinungalingan na umano ang sinasabi ng Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa sinasabing koneksyon niya sa transaksyon ng iligal na droga.

“Now tell me – don’t I have the right to now debunk those lies using the court testimonies of witnesses, and Duterte’s own witnesses at that? Don’t I have the right to assert my innocence before the very same forum—the public arena—where Duterte and his minions relentlessly attack my honor and integrity?” saad ng senador.

“Kapag paninira at puro kasinungalingan, gusto nila todo publicity. Kulang na lang araw-araw ang pambabalahura nila. Kapag naman katotohanan na ang lumalabas gusto nilang busalan ako at isekreto ang mga testimonyang paborable sa akin at magpapatunay na inosente ako,” dagdag nito.

Inihayag pa ni De Lima na binubusalan umano sila ng DOJ upang hindi malaman ng publiko ang katotohanan.

“An open and public trial is the only assurance not only of the accused, but also of the judiciary, that justice is dispensed fairly and squarely by our courts of law,” ani De Lima.

“It is the assurance of our judicial system that the courts will be looked upon by the people as models of impartiality and wisdom, and not as a strongman’s kangaroo courts.”

Aniya, kaya raw hiniling ng mga state prosecutor na i-cite in contempt ang kanilang kampo ay dahil batid daw ng mga ito na nagsasagawa sila ng “witch hunt.”

Sa kabilang dako, sinabi naman ng mga state prosecutors sa kanilang petisyon na nilabag nina De Lima at Tacardon ang sub judice rule na nagbabawal sa pagsasalita sa publiko kaugnay sa merito ng isang kaso.