Ipinagtanggol ni Sen. Leila de Lima ang kanyang mga abugado matapos na akusahan ng chief government prosecutor na may nilalabag daw silang patakaran sa korte kaugnay sa pagtalakay ng mga nakabinbing kaso sa publiko.
Sa kanyang dispatch mula sa Kampo Crame kung saan siya nakakulong, sinabi ni De Lima na nagbibigay lamang ang kanyang mga abugado ng mga makatotohanang update sa publiko kaugnay sa kanyang paglilitis.
“Wala pong sinungaling sa kampo namin,” saad ng senador.
“As their principal, I authorized my lawyers to disclose to the public material and significant particulars from witnesses’ declarations during the hearings, and other case developments, in the interest of truth and transparency,” ani De Lima.
Ayon pa sa senadora, karapatan daw malaman ng publiko kung anong nangyayari sa loob ng korte.
“Hence, the public’s right to know what’s going on in these cases cannot be stifled,” dagdag nito.
Una rito, sinabi ni Prosecutor General Benedicto Malcontento na nais nilang ma-cite in contempt ang legal team ng mambabatas dahil sa umano’y paglabag sa sub judice rule.
Giit ni Malcontento, pinipili lamang daw ng panig ng depensa ang mga ilalabas nila sa media.
“It’s not fair because we have to respect the independence of the courts, so kami we will not engage into that kind of thing,” saad ni Malcontento.