-- Advertisements --

Tinawag na ni dating senador Leila de Lima na isang kaduwagan ang ginawang pag-amba ng suntok sa kaniya ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Naganap ang insidente ng kapwa dumalo ang dalawa sa pagdinig ng Quad Comm sa House of Representatives.

Sinabi ni De Lima na hindi niya alam na yun ang gagawin sa kaniya ng dating pangulo dahil abala ito sa pagsagot sa mga katanungan ng mga mambabatas.

Dagdag pa nito na hindi niya aktual na nakita ang nasabing ginawa sa kaniya ng pangulo hanggang mayroong nagparating sa kaniya ng mensahe at nagpasa ng video ng nasabing pag-amba.

Matapos na makita ang video ay labis itong nasaktan kung saan isang uri ng unbecoming at hindi desenteng tao ang dating pangulo.