-- Advertisements --

Muling pinalawig ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang palugit para matapos ang mga road clearing operations ng hanggang Pebrero 15.

Sa isang pahayag, sinabi ni DILG spokesperson Jonathan Malaya, ito raw ay bilang konsiderasyon sa mga paghahanda ng mga lokal na gobyerno para sa kani-kanilang mga vaccination program laban sa COVID-19.

“The Department is fully cognizant of the urgency for LGUs to prepare their vaccination plans against COVID-19 that’s why the road clearing timeline is extended anew. This is, however, the last extension to be granted by the DILG,” saad ni Malaya.

Kamakailan nang atasan ng DILG ang mga local government units (LGUs) na bumalangkas na ng mga plano para sa kanilang inoculation program.

Kasama raw dapat dito ang mga preparasyon para risk communication plans, maagang vaccine communication campaign, master list ng priority vaccines, pagtukoy sa mga posibleng vaccination centers, available na mga cold chain storage, at iba pang mga requirements.

“We need to give LGUs time to focus on their local vaccination plans so we are giving them more time to undertake their road-clearing operations,” dagdag ng opisyal.

Itinakda ang orihinal na deadline noong Enero 15, ngunit pinalawig hanggang Enero 22.

Ayon pa kay Malaya, ang validation ng DILG sa compliance ng mga LGUs ay inusog rin sa Pebrero 16 hanggang Marso 2 mula sa Enero 18.

“The deadline of the submission of all consolidated validation reports from the DILG regional offices will be one week after the end of the validation period or on March 9, 2021. We will not allow any modification in the report after submission,” anang opisyal.

Obligado aniya ang mga regional offices ng DILG na magtalaga ng isang road clearing focal person kung saan kailangang isumite ang kanilang mga pangalan sa DILG Central Office bago sumapit ang Pebrero 2.

Dapat din aniyang maisumite sa Pebrero 9 ang directory ng validation team members para sa kada probinsya, lungsod, at mga bayan.