Mayroon na lamang hanggang May 10 ang mga aplikante na nagnanais maging associate justice ng Supreme Court.
Apat na araw na lang ang natitira sa mga aplikante na ipasa ang kanilang mga dokumento sa Judicial and Bar Council (JBC).
Ang naturang bakante sa mahistrado ay resulta ng promotion ni Associate Justice Alexander Gesmundo noong Abril 5 bilang ika-27 Chief Justice at pinuno ng judiciary.
Ayon sa JBC, maaaring bisitahin ng mga aplikante ang jbc.judiciary.gov.ph at i-access ang Online Application Scheduler para ipasa ang kanilang mga dokumento.
Sa oras na makumpleto na ng mga ito ang kinakailangang impormasyon sa Online Application Scheduler ay makakatanggap ang mga aplikante ng computer-generated letter of intent sa kanilang email address.
“They must submit the complete and accurate digitized versions of (a) the letter of intent and (b) the documentary requirements through electronic mail to orsn.jbc@judiciary.gov.ph on their selected date and time of appointment in the Online Application Scheduler,” pahayag ng JBC.