Maaari pang humabol para sa filing at pagbabayad ng 2021 income tax returns (ITRs) o buwis matapos na palawigin pa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang deadline hanggang sa Abril 18.
Ang annual deadline kasi na itinakda ng BIR ay nasaktong holiday o Good Friday.
Kauugnay nito, pinaalalahan namn ni Internal Revenue Commissioner Caesar Dulay ang mga authorized agent-banks para tanggapin ang tax payments hanggang alas-5 ng hapon sa araw ng extended deadline.
Gayundin, paalala din ng BIR sa mga authorized banks na huwag magpataw ng penalties sa anumang paglabag ng mg ataxpayers sa paghahain ng kanilang tax returns at pagbabayad ng internal revenue taxes dahil ang BIR lamang ang dapat na magpataw ng karampatang penalties may kaugnayan sa violations.
Target ngayong taon ng BIR na makalikom ng nasa kabuuang P2.44 trillion mula sa buwis sa gitna ng economic recovery mula sa pandemiya.
Top