Itinakda ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang deadline ng pag-avail ng amnesty program para sa mga may-ari ng korporasyon para makapag hain ng kinakailangang mga dokumento at financial reports hanggang Nobyembre 6 na lamang ng kasalukuyang taon.
Ito ay upang maiwasang maharap ang mga ito sa mas mataas na multa at parusa.
Saklaw dito ang mga korporasyon na mayroong incurred penalties para sa late at hindi paghahain ng kanilang taunang financial statements, general information sheets at opisyal na contact details.
Sinabi ni SEC chari Emilio Aquino na ang huling extension ng amnesty period ay isang compassionate allowance na ibinigay ng SEC sa mga korporasyon na makailang ulit ng nabigong tumalima sa kanilang reportorial requirements.
Aniya, nasa mahigit 54,000 korporasyon na ang nag-avail ng amnesty program simula ng ilunsad ang programa noong Marso.