-- Advertisements --

zaldy co1

Kinumpirma ni House Committee on Appropriations Chairman at Ako Bicol Party List Rep. Elizaldy Co na noong Martes, Oktubre 3, 2023, nagsimula ng magpulong at tumanggap at magresolba ng mga indibidwal na pag-amyenda sa House Bill No. 8980 o FY 2024 General Appropriations Bill.

Sinabi ni Co, maraming mga item sa badyet na naka-line up para sa mga pagbabago o realignment kabilang ang Confidential and Intelligence Funds (CIF) ng iba’t ibang civilian agencies.

Inihayag ng mambabatas na sa October 10 ang deadline para matapos ng Kamara ang pagrepaso ng mga isinumiteng amendments sa ilalim ng panukalang pambansang budget para sa 2024.

Dahil interesado aniya ang publiko at media sa isyu ng CIF, tiniyak ni Co na malalaman ng taongbayan kung ano-anong ahensiya ang tatamaan ng re-allocation.

Una rito, sinabi ni Congresswoman Stella Quimbo, vice chair ng House Appropriations Committee, bukod sa Office of the Vice President at Department of Education, sampu pang ahensiya ng gobyerno o higit pa ang tatapyasan o aalisan ng CIF.

Humingi naman ng pasensiya at pang-unawa si Co na hindi sila agad makapag bigay ng impormasyon dahil patuloy ang kanilang pagta-trabaho.

Siniguro naman ng Kongresista na agad sila mag bigay ng update sa sandaling matapos ang kanilang ginagawang pag amyenda at re-allignment dahil batid nila na interesado ang publiko na malaman ito.