-- Advertisements --
mass shooting indiana indianapolis

Patay ang walong katao habang marami ang sugatan sa nangyaring panibagong mass shooting sa Indianapolis FedEx facility.

Ayon kay Indianapolis Metropolitan Police Department spokeswoman Genae Cook isa sa mga sugatan ay nasa kritikal na kalagayan na naganap dakong alas-11:00 ng gabi sa lugar.

Naniniwala naman ang mga imbestigador na nagbaril sa kaniyang sarili ang suspek sa krimen dahil wala na silang nakikitang banta sa nasabing komunidad.

Sa ngayon, hindi pa rin malinaw ang motibo sa pamamaril at nagpapatuloy pa ang kanilang ginagawang imbestigasyon.

Hinimok naman ng mga otoridad ang publiko lalo na ang pamilya sa mga namatay na habaan ang kanilang pasensiya sa imbestigasyon na kanilang gagawin.

Naglabas din naman ng statement ang FedEx at labis na ikinalungkot ang pangyayari kasabay nang pagpapaabot nang pakikiramay. (with reports from Bombo Jane Buna)

fed