-- Advertisements --

Inianunsyo ni National Task Force against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr. na nasa advance stages ng negosasyon ang Pilipinas sa Nonavax, AstraZeneca, Pfizer, Johnson & Johnson, Sinovac at Gamalea para sa supply ng bakuna laban sa COVID-19.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Sec. Galvez, inaasahan nilang maisara at maisapinal ang deal ngayong buwan.

Ayon kay Sec. Galvez, kung magkaroon ng epektibong negosasyon, magkakaroon ang Pilipinas ng 148 million doses ng bakuna para sa 2021.

Maliban umano sa bilateral negotiations, tatanggap din umano ang Pilipinas ng fully-subsidized doses para sa 20 porsyento ng mga Pilipino o katumbas ng 22 million Filipinos sa pamamagitan ng COVAX facility, na isang global initiative na layuning mabigyan ng patas na access ang lahat ng mga bansa sa epektibo at ligtas na bakuna.