Dean ng Cebu Normal University, ‘proud’ na nakapasok sa Top 10 ng Licensure Exam for Professional Teachers ang 7 graduate mula sa unibersidad; Tiwala din itong ” excellence is a habit” sa nasabing paaralan dahil sa sunod-sunod na pag Top ng kanilang mga mag-aaral sa mga board exam
Labis na ikinatuwa ni Dr. Helen Boholano, Dean ng Department of College of Teacher’s Education(CTE) ng Cebu Normal University sa inilabas na resulta ng 2022 Licensure
Examination for Professional Teachers (LEPT) 2022 kung saan pitong graduate mula sa nasabing unibersidad ang kabilang sa Top 10.
Sa naging panayam ng Star Fm Cebu kay Boholano, sinabi nitong karamihan sa mga pasok sa top 10
ay grumaduate sa kasagsagan ng pandemya.
Sa kabila ng kinakaharap na pandemya, nahanapan pa ng paraan ng mga faculty members ng upang ma-comply lahat ng requirements, instructions, at research extension.
Nanatili umanong Top performing school of excellence ang CNU dahil ito sa buong suporta na ibinigay ng administrasyon na pinangungunahan ni Dr. Daisy Palompon at naniniwala itong nasa tamang kamay ang mga estudyante kahit noon pa man.
Naniniwala din ito na ang pagsasa-puso ng mga guro sa pagtuturo ay isang malaking ambag ito, mapa-academic man o sa ibang larangan ng aktibidad kasama ang buong faculty staff.
Dagdag pa niya, naging susi sa patuloy na tagumpay ng Unibersidad ang collaborative effort na ginagawa ng mga estudyante at faculty members na nagtutulungan upang matugunan ang kanilang mga tungkulin.
Samantala, makakatanggap umano ng monetary awards ang mga nag Top sa Licensure Examination at sa katunayan ay may nakatakdang courtesy call ang mga ito galing sa University President ngayong araw.
Payo naman ni Boholano sa mga gusto ding mag Top sa LEPT na sikapan nilang mabuti ang pag-aaral sa apat na taon dahil ang competencies ng PRC ay paniguradong naituro sa apat na taong kurso.
Isang magandang mensahe pa ang idinagdag ni Boholano, na ang lockdowns na nagpabago sa mga schedules ng exams dulot ng pandemya ay may dahilan.
Ipinagmamalaki rin nito ang magaling na performances na ipinakita nga mga alumni at hinangad niyang magbigay ito ng inspirasyon sa mga aspiring teachers at sa mga naghahangad ding mapasali sa Top 10.