Nahaharap sa 25 larong pagkasuspinde ang Phoenix Suns center na si Deandre Ayton matapos maging positibo ang resulta ng kanyang drug test sa diuretic sa kanilang unang laro sa 2019 season.
Humingi naman ng paumanhin si Ayton sa nangyari.
Aniya, lingid sa kanyang kaalaman, hindi raw sadya ang kanyang pagkakainom ng pinagbabawal na droga.
Sa ngayon sisikapin niyang makipag-usap sa National Basketball Players Association (NBPA) upang makakuha nang agarang aksyon upang maibaba o maayos ang isyu.
Si Ayton ay ang number one overall pick sa nakaraang NBA draft at isang malaki kawalan para sa mas batang koponan na Suns.
Gumawa ito ng 18 puntos, 11 rebounds at apat na blocks sa unang laro at panalo ng Suns kontra Sacramento Kings.
Nag-a-average ito ng 16.3 puntos and 10.3 rebounds sa kanyang rookie year.
Sa kawalan ni Ayton, mas magiging mabigat ang inaasahang produksyon ni Devin Booker sa pagsisimula ng season lalo na kung nais nilang makapasok sa playoffs.
Ang diuretic ay isang uri ng drug na pinagbabawal sa NBA.
Ginagamit ito bilang pambawas ng timbang dahil sa mas maraming nailalabas na urine at maari ring pangtakip sa ibang uri ng droga na iniinom.