-- Advertisements --

Matapos ang contract buyout sa Detroit Pistons tutungo na rin ang three-time All-Star center DeAndre Jordan sa Los Angeles Lakers.

Una nang nakuha ng Detroit si Jordan bilang second-round picks hanggang sa pumasok ang $5.78 million deal sa Brooklyn.

Sinasabing babayaran daw ang natitirang dalawang taon sa halagang $20 million sa contract ni Jordan.

Kapag napirmahan na ang buyout agreement, si Jordan ay haharapin ang waivers bago maging free agent para bigyang daan ang pagpirma sa Lakers.

Si Jordan ay babalik sa Los Angeles kung saan doon niya unang iniukol ang unang 10 taon ng kanyang career bilang miyembro ng Clippers.

Una nang pinapirma ng Lakers ang ilang veteran players bilang pagpapalakas sa papasok na bagong season sa Oktubre na kinabibilangan ni eight-time All-Star center Dwight Howard.