-- Advertisements --

Nakatakdang magsagawa ng “Dear Heart” reunion concert nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa US at Canada.

Sa kani-kanilang social media account ay inanunsiyo nila ang nasabing concerts na gaganapin mula Oktubre hanggang Nobyembre.

Sinabi ng Megastar na kaniyang kinukumpirma ang mga usapin na kumakalat na usapin sa pagsasagawa ng concert sa US at Canada.

Itinuturing naman ni Gabby Concepcion na isang magandang balita ito sa kanilang mga matagal na supporters.

Sa mga susunod na araw ay kanilang iaanunsiyo ang ilang mga detalye ng nasabing concerts.