-- Advertisements --

Hindi garantiyang epektibong solusyon ang death penalty para mawaksan ang korupsiyon sa bansa.

Ito ang binigyang diin ng Commission on Human Rights (CHR) sa gitna ng isinusulong na panukalang batas sa Kamara de Representantes na House Bill No. 11211 o Death Penalty for Corruption Act, ang parusang kamatayan sa pamamagitan ng firing squad para sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno.

Aniya, bagamat ang intensiyon ng panukala ay para takutin ang public officials para umiwas na mangurap, naniniwala ang CHR na hindi ito epektibong solusyon.

Ayon sa komisyon, isang grave offense ang korupsiyon, subalit sinabi din nito na hindi matutugunan ng naturang marahas na parusa ang problema sa korupsiyon sa halip ay hinahadlangan ng panukala ang pangangailangan para sa sistematikong reporma at inililihis nio ang pokus mula sa preventative measure tulad ng pagpapatibay ng mga mekanismo sa pananagutan at governance systems.

Nagpaalala din ang CHR sa House leaders na ipinagbabawal ang death penalty sa ilalim ng 1987 Constitution.