-- Advertisements --
LEGAZPI CITY – Mariing tinutulan ng isang lider mula sa simbahan ang muling panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang parusang kamatayan sa Pilipinas.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Fr. Rex Arjona ng Diocese of Legazpi, na dadagdagan lang ng death penalty ang bilang ng mga patay sa bansa dahil sa iligal na droga.
Kung maaalala, pumasa noong 17th Congress sa Kamara ang bersyon ng panukalang death penalty para sa mga suspek sa illegal drugs.
Ayon sa pari, hindi hustisya ang sinasalamin ng panibagong pagpatay sa mga kriminal na sangkot sa ano mang paglabag.
Gayundin na hindi rin daw nito tuluyang masusugpo ang operasyon ng iligal na droga saa bansa.