CAGAYAN DE ORO CITY – Maliban sa nakagawa ng isang kremin, hayagan impeachable offense rin ang inaasta ni Bise-Presidente Sara Duterte laban sa First Couple at Speaker Martin Romualdez.
Tinukoy ni human rights lawyer Antonio La Viña ang pagbabanta ni Duterte na kamatayan ang kahihitnan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr at First Lady Liza Araneta Marcos maging si Romualdez kung mayroong mangyaring hindi maganda sa kanya epekto sa mainit na awayan ng politika.
Sinabi ni La Viña na hindi maaring pagbantaan ang buhay ng isang presidente dahil nangangahulugan ito na malalagay rin sa panganib ang pangkalahatang seguridad ang bansa.
Una nang iginiit ni VP Sara na walang ibang sisingilin ang kanyang pamilya at taong-bayan kapag mamatay ito kundi ang administrasyon ni Marcos.