Tumaas na sa 39 ang bilang ng mga namatay sa patuloy na malawakang pag-ulan at pagbaha na dulot ng iba’t ibang sama ng panahon mula noong unang bahagi ng Enero, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Naitala ito nang makatanggap ang ahensya ng panibagong ulat ng pagkamatay mula sa Rehiyon ng Bicol.
Batay sa pinakahuling datos ng ahensya, 12 sa mga nasawi ay naitala sa Zamboanga Peninsula habang siyam ay sa Bicol Region, walo sa Northern Mindanao, at pito sa Eastern Visayas.
Sa ngayon, na-validate na ng National Disaster Risk Reduction and Management Counci o NDRRMC ang 19 sa kabuuang naiulat na pagkamatay at nasa proseso pa rin ng pag-validate ang iba pang biktima.
Sinabi ng ahensya na 12 katao ang nasugatan at limang iba pa ang nananatiling nawawala dahil sa walang humpay na sama ng panahon na dulot ng pinagsamang epekto ng mga low pressure area northeast monsoon at shear line mula pa noong unang bahagi ng taon.
Sa ngayon, hindi bababa sa 1.9 milyong katao o 475,983 pamilya sa 2,516 barangay sa bansa ang apektado ng iba’t ibang weather system sa nararanasan sa ating bansa.