-- Advertisements --

Umabot na umano sa 16 katao ang bilang ng mga nasawi sa baha at pagguho ng lupa sa Caraga at Davao region.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Edgar Posadas, ang mga nasawi ay nasa ilalim pa rin ng validation.

Ayon kay Posadas, 12 ang namatay mula sa insidente ng pagguho ng lupa sa Mt.Diwata sa Monkayo, Davao de Oro.

Dagdag pa ni Posadas, dalawang tao ang namatay sa Davao City, isa ang namatay sa Davao Oriental at isa ang namatay sa Davao Occidental.

Sa ngayon po, nasa mahigit 152,600 na mga pamilya ang apektado ng sama ng panahon.

Ang nasabing bilang ay katumbas ng mahigit sa 600,000 na mga indibidwal sa 388 barangay sa naturang lugar.

Ang pagguho ng lupa ay bunsod ng sama ng panahon dahil sa shear line na nararanasan sa buong bansa.