-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Umakyat na sa 15 ang bilang ng mga namatay sa Bicol dulot ng sama ng panahon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Office of Civil Defense Bicol spokesperson Gremil Naz, base sa pinakahuling datos nadagdagan pa ang bilang ng mga namatay matapos marekober na ang katawan ng nawawalang indibidwal sa Matnog, Sorsogon.

Habang patuloy pa rin ang search and retrieval operation sa dalawang mangingisda sa Pandan, Catanduanes na nawala matapos maglayag noong Enero 24 sa bahagi ng Pacific Ocean.

Ang naturang mga mangingisda ay ang nagmamay-ari ng bangka na nakuha sa bayan ng Caramoan, Camarines Sur.

Samantala, umabot na sa mahigit P300 million ang pinsala sa sektor ng agrikultura, irigasyon, imprastraktura at educational buildings sa buong rehiyon.

Sa naturang bilang pinakanaapektuhan ay ang lalawigan ng Camarines Sur.

Nakapagtala naman ang tanggapan ng 260 na mga pagbaha, 38 landsides at 40 mga kabayahan na nasira.