-- Advertisements --
image 708

Umakyat na sa 35 ang bilang ng nasawi sa gumuhong Hindu temple sa India.

Una rito, dose-dosenang mga mananampalataya na nagdaraos ng malaking religious holiday sa naturang templo sa central city ng Indore noong araw ng huwebes ang nahulog sa may stepwell na isang stair-lined communal water source matapos na gumuho ang sahig na nakatakip dito.

Ayon kay Indore district magistrate Ilayaraja T, isang indibidwal ang napaulat na nawawala habang puspusan ang isinagawang rescue operations para sa mga survivor sa trahedya.

Nagpaabot naman ng dasal sa lahat ng biktima at kanilang pamilya at lubos na dalamhati sa nangyaring aksidente si Prime Minister Narendra Modi.

Nangako naman si Modi na magbibigay ng compensation payments na 200,000 rupees ($2,400) sa mga kamag-anak ng mga biktima.

Ayon naman kay Narottam Mishra, ang home minister of Madhya Pradesh state na naglunsad na sila ng imbestigasyon kaugnay sa insidente.

Ang mga templo sa buong India ay dinadagsa ng mga deboto kasabay ng okasyon na tinatawag na Ram Navami, ang pagdiriwang ng kaarawan ng diyos ng mga Hindu na si Lord Ram.