Umakyat na sa 78 ang bilang ng mga nasawi habang mahigit 115,000 katao naman ang na-displace bunsod ng malawakang pagbaha dulot ng matinding pag-ulan sa southern state ng Rio Grande do Sul sa Brazil.
Nitong umaga ng Linggo, oras sa Brazil, dumating si President Luiz Inacio Lula da Silva sa naturang estado kasama ang karamihan sa miyembro ng kaniyang gabinete para talakayin ang rescue at reconstruction efforts kasama ang mga lokal na awtoridad.
Tumulong naman na ang mga volunteer na gumagamit ng bangka at jet ski at maging sa pamamagitan ng paglangoy para tumulong sa nagpapatuloy na rescue efforts.
Maaaring tumaas pa ang bilang ng nasawi sa insidente dahil mayroon pang 105 katao ang napaulat na nawawala nitong linggo ayon sa state civil defense authority.
Iniimbestigahan na rin ntio kung ang 4 na nasawi ay may kinalaman sa epekto ng masamang lagay ng panahon.
Una rito, bunsod ng nararanansang pag-ulan sa mga nakalipas na araw mahigit two-thirds na ang halos 500 siyudad sa state na may border ng Uruguay at Argentina na nag-iwan ng mahigit 115,000 katao na na-displace.
Napinsala din sa baha ang mga kalsada at tulay sa ilang mga siyudad.
Nagdulot din ng landslide ang mga pag-uulan at bahagyang pagguho ng isang dam sa maliit na hydroelectric power plant.
Mahigit 400,000 katao nitong linggo ang walang suplay ng kuryente ay halos 1/3 ng populasyon ng estado ang walang suplay ng tubig.