Sumampa na sa 35 katao ang nasawi mula sa missile strike na tumama sa isang residential building sa center-east city ng Dnipro, Ukraine.
Nagpapatuloy pa rin ang rescue operations sa mga residente na nadamay sa naturang insidente.
Ayon kay Dnipropetrovsk regional governor Valentyn Reznichenko, nasa 39 katao ang nailigtas habang nasa 75 naman ang nasugatan.
Nauna ng nagpahayag ng pagkondena si Ukrainian President Volodomyr Zelensky na nananahimik sa kaduwagan ang Russia sa naturang pag-atake at inihayag na nakatanggap ang kaniyang bansa ng mensahe ng pakikisimpatiya mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ipagpapatuloy naman ang paghahanap sa mga survivors kahit na sa pinakamaliit na tiyansa at umaasa na may nakaligtas pa sa nasabing terror attack ng Russia.