10 Pilipino ang nadagdag pa sa listahan ng mga nasawi sa Maui wildfires na unang sumiklab noong Agosto 8, 2023.
Ito ang kinumpirma ng Muai authorities sa Hawaii kasabay ng anunsyong umakyat na sa 29 na mga Pilipino at Filipino-Americans ang iniwang patay ng naturang trahedya.
Kabilang sa mga natukoy na biktima ay ang pitong miyembro ng Quijano family na mula Ilocos na kinilalang sina Joel Villegas, Felimon Quijano, Junmark Geovannie Quijano, Angelic Quijano Baclig, Lydia Coloma at Luz Bernabe.
Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, nasawi ang mga ito sa loob ng kanilang sasakyan matapos na ma-trap nang dahil sa apoy.
Bukod sa kanila ay mayroon pang naitalang dalawang biktima ang mga kinauukulan na nakumpirmang miyembro ng Recolizado family mula San Juan, Metro Manila sa pamamagitan ng DNA samples.
Ang mga ito ay kinilalang sina Maria Victoria Recolizado, 51, at Justine Recolizado, 11 na kapwa related kay Eugene Recolizado na una nang napaulat na nawawala.
Tinukoy din na biktima ang 81 taong gulang na na si Reveling Tomboc na ina ng isa pang biktima na kinilalang si Bibiana Tomboc Lutrania.
Habang sa ngayon ay mayroon pang isang Pilipinong nananatiling unaccounted ang patuloy pa ring kinukumpirma ng mga kinauukulan.
Samantala, narito naan po ang mga pangalan ng mga Pilipino at Filipino-American individuals nasawi mula sa malawakang wildfire sa lugar:
1. Rogelio Mabalot Sr, 68
2. Salvador Coloma, 77
3. Rodolfo Rocutan, 76
4. Conchita Sagudang, 75
5. Danilo Sagudang, 55
6. Alfredo Galinato, 79
7. Carlo Tobias, 54
8. Pablo Pagdilao, 75
9. Narciso Baylosis, 67
10. Vanessa Baylosis, 67
11. Eugene Recolizado, 51
12. Joseph Lara, 86
13. Glenda Yabes, 48
14. Buddy Jantoc, 79
15. Leticia Constantino, 56
16. Raffy Imperial, 63
17. Bibiana Tomboc Lutrania, 58
18. Reveling Baybayan Tomboc, 81
19. Maurice Buen, aka Shadow, 79
20. Marilou Dias, 60
21. Maria Victoria Recolizado, 51
22. Justine Recolizado, 11
23. Adela Quijano Villegas, 70
24. Joel Villegas
25. Felimon Quijano
26. Junmark Geovannie Quijano
27. Angelic Quijano Baclig
28. Luz Bernabe, 65
29. Lydia Coloma
Ayon sa County of Maui, sa ngayon ay pumalo na sa 97 indibidwal ang nasawi sa nasabing malawakang wildfires, habang 89 sa mga ito ay natukoy na ng mga otoridad ang pagkakakilanlan.
Kaugnay nito ay patuloy naman ang apela ng Maui Police Department sa publiko na agad ipagbigay-alam sa kanila kung may mga kaanak at kakilala pa silang nananatiling nawawala.