Kumitil na sa mahigit 700 katao sa Lebanon ang inilunsad na air strike ng Israel simula noong Lunes.
Nitong Huwebes, tinatayang nasa mahigit 200,000 residente na rin ang na-displace sa Lebanon simula noong Oktubre 2023 nang magsimulang magpalitan ng pag-atake sa cross-border ang Hezbollah at Israel.
Maraming bilang ng mga nagsilikas palayo sa southern Lebanon ang nagtungo sa Beirut, sa ibang parte ng bansa at sa karatig na mga nasyon.
Samantala, nitong Huwebes naman naglabas ng pahayag ang tanggapan ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu para linawin ang tinawag nitong ‘misreporting’ kaugnay sa pagtanggi nila sa inisyatibo ng US para sa ceasefire sa Lebanon.
Nakasaad sa naturang statement na kabahagi ang Israel sa mga layunin ng inisyatibo ng US na magbibigay daan sa pagbabalik ng mga mamamayan ng ligtas sa kanilang mga tahanan sa northern border.
Ipagpapatuloy din aniya ng kanilang kampo ang pakikipag-usap hinggil sa panawagan sa ceasefire sa mga susunod na araw.
Ginawa ng tanggapan ng Israeli PM ang paglilinaw matapos na i-reject ng Israeli poliicians ang panukalang tigil putukan kabilang na dito si foreign minister Israel Katz na nagsabing walang magaganap na ceasefire sa north border.