-- Advertisements --
image 550

Umabot na sa bilang na 64 ang bilang ng mga nasawi sa pagkawasak ng barko ng migranteng bangka sa katimugang baybayin ng Italy.

Ito’y matapos na makuha ng mga rescue crew ang ilan pang mga bangkay na kasama sa nangyaring insidente.

Kung matatandaan bumangga ang naturang bangka sa mga malalaking bato sa baybayin ng Italy na ikinasawi ng ilang mga sakay nito.

Ayon sa pinakahuling ulat, dose-dosenang iba pa ang pinaniniwalaang nawawala sa karagatan.

Kaugnay niyan, 80 umano ang bilang ng mga nakaligats ngunit mas marami ang pinangangambahang nasawi na kung saan, sa kasalukuyan ay patuloy pa ring nadadagdagan.

Umalis ang naturang bangka mula sa Turkey kamakailan at sinasabing nagdala ng humigit-kumulang 170 katao.

Sa ngayon, patuloy pa din ang isinasagawang search and rescue operation sa naturang baybayin sa tulong ng mga Coast Guard vessels at iba pang mga awtoridad ng bansang Italya.