Pumalo na sa 127 ang bilang ng mga nasawi sa Vietnam sa pananalasa ng Typhoon Yagi sa Vietnam.
Napilitan na ring lumikas ang nasa 59,000 residente sa Yen Bai province ayon sa mga lokal na awtoridad matapos na malubog sa baha ang halos 18,000 kabahayan.
Ang tubig baha naman sa Hanoi, ang kabisera ng Vietnam, ay umabot na sa mga lebel na hindi pa nararanasan simula noong 2008. May ilang lugar din sa Thai Nguyen province ang abot leeg na ang tubig baha.
Nananatiling nawawala naman ang nasa 54 na katao.
Samantala, patuloy naman ang paghahanap ng mga awtoridad sa 8 iba pang nawawala nang gumuho ang gitnang bahagi ng Phong Chau bridge sa may Red River sa central Hanoi nitong Martes. Naisalba naman ang 5 katao na dumadaan sa tulay nang mangyari ang insidente.
Una ng tumama ang bagyo sa naturang bansa noong araw ng Sabdo na nagdadala ng mga paghangin na lagpas sa 149 kilometers per hour.