-- Advertisements --

Lumobo pa sa 26 ang bilang ng mga nasawi sa nangyaring pagsalakay sa isang hotel sa Somalia.

Una rito, ibinundol ng isang suicide bomber ang sinasakyan nitong kotseng naglalaman ng mga pampasabog sa Asasey hotel sa pantalan ng Kismayo.

Matapos nito, umatake ang armadong mga kalalakihan sa hotel compound at tumagal ito ng 14 oras bago mapatay ng mga tropa ng gobyerno ang mga suspek, na mga miyembro ng al-Shabab.

Kabilang sa mga nasawi ang prominenteng mga Somali politicians, ilang mga mamamahayag, at mga banyaga.

“We are heartbroken by their sudden violent deaths. But rest assured, we are also as mad as hell because of it,” pahayag ni Jubbaland minister of planning Just Aw Hersi.

Sinabi pa ng pulisya, mahigit 50 katao ang sugatan sa nangyaring pagsalakay. (Al Jazeera)